Wednesday, January 12, 2011

Salamat sa mga ala-ala

Puyat,sakit ng ulo,hapdi ng mata, pangungulila pero kaya parin ngumiti basta't ikaw ang kasama.
Salamat sa lahat, salamat dahil nanajan ka palagi. Kahit wala ka na sa tabi ko sa puso ko buhay ka at di ka malilimuatan.

Napaka dami pang plano sa mga susunod na mga araw ngunit ang mga pangako at planong ito ay naipasang-tabi nang mawala ka sa piling ko, pero itutuloy ko ito alang ala sa mga plano mo.

Salamat sa mga masasayang alaala na iniwan mo, habang buhay ko itong maalala sa mga masasaya at sa malulungkot man na pagkakataon.

Salamat sa mga disiplina, pagtuturo, pagpapayo at sa lahat ng naitulong mo sa mundong ito. Sana maroon pang kaming makikita na kasing bait, galing at kasing sarap mag mahal at mahalin. Sana makakita pa kami na katulad mo hindi man saktong sakto pero sana katulad mo siya.

Salamat sa mga magagandang kuha mo dito, Salamat sa magagandang angulo, Salamat sa mga masasayang tugtugin at tugtugan ang mga ito ay mananatiling buhay sa mga mata at mga tenga namin.
Salamat sa mga makukulay na buhay na iniwan, Salamat sa mga masasayang photo shoot at photo walk natin, Salamat sa mga masasayang bonding moments, Salamat sa mga corni jokes, Salamat sa mga big uhaw at tomi na Php. 53 . Salamat sa mga tsimis na mga nalalaman mo at sinasabi sa akin, Salamat sa alaga na binubuhos mo sa amin, Salamat sa mga bisita sa amin sa bahay , Salamat sa pag lilike at pag comment sa mga status ko sa facebook kahit wala na talagang kwenta , Salamat sa mga ngiti at yakap mo.

Ang lahat ng ito ay pinag papapsalamat ko saiyo.. at ang mga ito ay ang mga bagay na mamimiss ko .
Ang blog na ito ay puno ng pagpapasalamat pero ang pinaka pinag papasalamat ko sa lahat ay binigyan kami ng isang kuya na katulad mo.

KUYA DHA HANGGANG SA MULI…. MAHAL NA MAHAL KITA !!!

No comments:

Post a Comment