Wednesday, January 12, 2011

Ayaw ko nga.

Mahirap na nga bang initindihin ang AYOKO ngayon? Bakit parang sa tuwing sasabihin ang salitang ito ay may karugtong na iyak, tawa, tampo, at galit. Halimbawa na nga lang ang buhay ng isang kabataan na nakilala ko 2 taon ang nakakalipas , hindi din ata niya maintindihan ang AYOKO, o sadyang ayaw niyang tanggapin ang salitang AYOKO.  Lagi na lang niyang pinagpipilitan ang sarili niya sa mga bagay na ayaw para sakanya. Lagi na lang pinagsisiksikan ang sarili niya sa mga taong ayaw sakanya. Sinasabi niya na wala siyang dapat ipaliwanag sa akin, sa amin at sa sarili niya, wala daw siyang dapat I please, pero bakit ganon?  Hindi pa rin ba niya tangap sa sarili niya na AYOKO nga. Minsan tinatanong niya sakin “Ayaw mo kami?” paulit ulit lang niya tinatanong  edi paulit ulit ko rin sakanyang sasabihin at isasagot ang salitang AYOKO.  Meron pa ngang pagkakataon na nag post siya sa wall ko at sabi niya na mahal niya ako at wag daw ako magalit sakanya, pero siya naman yung gumagawa ng dahilan para magalit ako sakanya, tsaka  actually hindi naman talaga ako galit sakanya sinasabi ko lang naman yung mga bagay na gusto kong sabihin at para na rin malaman niya ngayon pa lang, pero ang labas parang ako pa ata ang mali. Alam ko naman hindi masama  ang mag mahal, pero kung nag mamahal kang talaga hindi ka magiging DUWAG sa mga taong  makakaharap sa gitna ng laban. Gusto ko siya bilang siya. Ngunit! Subalit! Bagamat! Ayoko siya para sa taong gusto niya.  Ang dami dami pa niyang ibang kinikimber  bakit parang ayaw niya kaming tigilan at gusto pa ata niyang makagawa na naman ng malaking gulo. Gusto na naman ata niyang mabulabog ang Friendster, Multiply, Twitter,  Tumblr, My space, at Facebook.  Gusto pa ata niyang maulit muli yung mga bagay na natambakan na ng mga ngiti at tawa. May kasabihan na tumingin sa pinanggalingan pero bakit ganon hindi pa niya natatanaw yung pinanggalingan niya may binabalikan na siyang hindi maganda. Hindi pa nga siya sigurado sa mga sinasabi niya pero grabe na siya makapag salita. May mga tao ba talagang ganon o sadyang hindi ko pa talaga sila nakakasalimuha ngayon? 

No comments:

Post a Comment