Hayy.. hindi ko alam kung bakit ako ganito biniless ni Lord sa mga talents. Una, sa pagsayaw, hilig ko nga ang pagsayaw. Naeenjoy ko kapag nagperperform ako o kaya naman nag papractice. Halos bugbog na nga ang katawan ko kakapractice. Hayy... pangalawa, sa pag kanta, Lumaki ako sa pagiging choir sa church at nasanay na akong hahatakin na lang bigla dahil nay practice ng choir. Hahaha :)) pero nagulat ako dahil hindi ko inaasahan na mag lelevel up ako. Hindi ko naman akalain na maganda nga ang boses ko. Nag baback up na ako sa Praise And Worship namin na dapat hindi pa oras kaya lang dahil kay Lord at kay Kuya dha e napasubok ako at pinagaaralan ko pang tumayo at kumanta sa haapan ng mas maraming kabataan at mas matatanda saakin. :)) Ang bata bata ko pa para sa mga ganoong mga bagay pero nakikita ko na kung paano ako ginagamit ng Panginoon para mag puri sakanya. May mga tao namang tumutulong saakin para mas madalian ako. At masaya ako kasi dahil sa mga ministries ko nagiging close ko na yung mga kuya ng mga kabataan ngayon. Mayrong pagkakataon na naiisip ko napaka bless ko naman dahil nakilala at naging ka close ko sila. maraming tao o kabataan ang nagkakandarapa para lang makausap sila samantalang ako para lang kami mag kakaibigan at mag kakapatid. Hayy Salamat Lord dahil, Oo nga Blessed nga ako. :D
Live.Laugh.Love ♥
Thursday, January 20, 2011
Wednesday, January 12, 2011
Ayaw ko nga.
Mahirap na nga bang initindihin ang AYOKO ngayon? Bakit parang sa tuwing sasabihin ang salitang ito ay may karugtong na iyak, tawa, tampo, at galit. Halimbawa na nga lang ang buhay ng isang kabataan na nakilala ko 2 taon ang nakakalipas , hindi din ata niya maintindihan ang AYOKO, o sadyang ayaw niyang tanggapin ang salitang AYOKO. Lagi na lang niyang pinagpipilitan ang sarili niya sa mga bagay na ayaw para sakanya. Lagi na lang pinagsisiksikan ang sarili niya sa mga taong ayaw sakanya. Sinasabi niya na wala siyang dapat ipaliwanag sa akin, sa amin at sa sarili niya, wala daw siyang dapat I please, pero bakit ganon? Hindi pa rin ba niya tangap sa sarili niya na AYOKO nga. Minsan tinatanong niya sakin “Ayaw mo kami?” paulit ulit lang niya tinatanong edi paulit ulit ko rin sakanyang sasabihin at isasagot ang salitang AYOKO. Meron pa ngang pagkakataon na nag post siya sa wall ko at sabi niya na mahal niya ako at wag daw ako magalit sakanya, pero siya naman yung gumagawa ng dahilan para magalit ako sakanya, tsaka actually hindi naman talaga ako galit sakanya sinasabi ko lang naman yung mga bagay na gusto kong sabihin at para na rin malaman niya ngayon pa lang, pero ang labas parang ako pa ata ang mali. Alam ko naman hindi masama ang mag mahal, pero kung nag mamahal kang talaga hindi ka magiging DUWAG sa mga taong makakaharap sa gitna ng laban. Gusto ko siya bilang siya. Ngunit! Subalit! Bagamat! Ayoko siya para sa taong gusto niya. Ang dami dami pa niyang ibang kinikimber bakit parang ayaw niya kaming tigilan at gusto pa ata niyang makagawa na naman ng malaking gulo. Gusto na naman ata niyang mabulabog ang Friendster, Multiply, Twitter, Tumblr, My space, at Facebook. Gusto pa ata niyang maulit muli yung mga bagay na natambakan na ng mga ngiti at tawa. May kasabihan na tumingin sa pinanggalingan pero bakit ganon hindi pa niya natatanaw yung pinanggalingan niya may binabalikan na siyang hindi maganda. Hindi pa nga siya sigurado sa mga sinasabi niya pero grabe na siya makapag salita. May mga tao ba talagang ganon o sadyang hindi ko pa talaga sila nakakasalimuha ngayon?
Salamat sa mga ala-ala
Puyat,sakit ng ulo,hapdi ng mata, pangungulila pero kaya parin ngumiti basta't ikaw ang kasama. |
Napaka dami pang plano sa mga susunod na mga araw ngunit ang mga pangako at planong ito ay naipasang-tabi nang mawala ka sa piling ko, pero itutuloy ko ito alang ala sa mga plano mo.
Salamat sa mga masasayang alaala na iniwan mo, habang buhay ko itong maalala sa mga masasaya at sa malulungkot man na pagkakataon.
Salamat sa mga disiplina, pagtuturo, pagpapayo at sa lahat ng naitulong mo sa mundong ito. Sana maroon pang kaming makikita na kasing bait, galing at kasing sarap mag mahal at mahalin. Sana makakita pa kami na katulad mo hindi man saktong sakto pero sana katulad mo siya.
Salamat sa mga magagandang kuha mo dito, Salamat sa magagandang angulo, Salamat sa mga masasayang tugtugin at tugtugan ang mga ito ay mananatiling buhay sa mga mata at mga tenga namin.
Salamat sa mga makukulay na buhay na iniwan, Salamat sa mga masasayang photo shoot at photo walk natin, Salamat sa mga masasayang bonding moments, Salamat sa mga corni jokes, Salamat sa mga big uhaw at tomi na Php. 53 . Salamat sa mga tsimis na mga nalalaman mo at sinasabi sa akin, Salamat sa alaga na binubuhos mo sa amin, Salamat sa mga bisita sa amin sa bahay , Salamat sa pag lilike at pag comment sa mga status ko sa facebook kahit wala na talagang kwenta , Salamat sa mga ngiti at yakap mo.
Ang lahat ng ito ay pinag papapsalamat ko saiyo.. at ang mga ito ay ang mga bagay na mamimiss ko .
Ang blog na ito ay puno ng pagpapasalamat pero ang pinaka pinag papasalamat ko sa lahat ay binigyan kami ng isang kuya na katulad mo.
KUYA DHA HANGGANG SA MULI…. MAHAL NA MAHAL KITA !!!
Subscribe to:
Posts (Atom)